MANILA, Philippines — Magkakaroon ng libreng sakay ang mga babaeng pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Marso 8 bilang pagdiriwang ng Women’s Day.
Ayon sa MRT-3, ang libreng sakay ay mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m. Sinabi ni General Manager Engr. Oscar Bongon na layunin nitong kilalanin ang mahalagang papel ng kababaihan sa lipunan at bigyang-pugay ang kanilang mga sakripisyo para sa kanilang pamilya.
Magbibigay din ang MRT-3 ng espesyal na Women’s Month tokens sa mga babaeng pasahero sa Marso 7. Samantala, mag-aalok naman ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng gupit para sa kababaihan sa Women’s Day. RNT