Home NATIONWIDE Bigtime oil price rollback nakaumang

Bigtime oil price rollback nakaumang

MANILA, Philippines— Inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa apat na araw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS), bababa ang presyo ng gasolina ng P1.40 hanggang P1.70 kada litro, diesel ng P0.90 hanggang P1.20, at kerosene ng P1.50 hanggang P1.70.

Ang rollback ay dulot ng pagtaas ng imbentaryo ng krudo sa US, plano ng OPEC+ na dagdagan ang produksyon sa Abril, at pagtaas ng trade tariffs ng US sa Canada, China, at Mexico.

Iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na adjustments sa Lunes, na epektibo sa Martes. RNT