Home NATIONWIDE Common LRT, MRT contractor sinibak ng DOTr sa tenggang proyekto

Common LRT, MRT contractor sinibak ng DOTr sa tenggang proyekto

MANILA, Philippines – Pinoproseso ng Department of Transportation (DOTr) ang pagwawakas ng kasunduan nito sa kinuhang kontratista para itayo ang Unified Grand Central Station, na kilala rin bilang Common Station na mag-uugnay sa mga linya ng LRT1, MRT3 at MRT7 dahil sa pagkaantala sa pagkumpleto ng proyekto.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni DOTr Secretary Vince Dizon na pinabayaan ng kontratista , isang consortium ng BF Corp. at Foresight Development and Surveying Co. (BFC-FDSC), ang konstruksiyon sa loob ng mahigit isang taon.

Upang mapabilis na matapos, naghahanap ang DOTr ng alternatibong opsyon sa ilalim ng GOvernment Procurement Act o ang Public-Private Partnership Code.

Mahaharap ang kontratista sa penalty at liquidated damages para sa hindi pagtuapd sa mga obligasyon nito.

Aniya, iniimbestigahan din ang mga late payment mula sa gobyerno sa kontratista.

Ang 13,700-square-foot-meter Common Station ay matatagpuan sa North EDSA, Quezon City, at nilayon upang payagan ang tuluy-tuloy na paglipat sa pagitan ng MRT-3, LRT-1, at kalaunan ng MRT-7 at Metro Manila Subway.

Magkakaroon din ito ng intermodal system, na nagpapahintulot sa mga pasahero na sumakay sa mga bus, jeepney, o taxi.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)