Home NATIONWIDE Recorded message ni Pope Francis inilabas ng Vatican

Recorded message ni Pope Francis inilabas ng Vatican

VATICAN – Naglabas ng recorded audio message si Pope Francis na nagpapasalamat sa mga nanalangin sa kanyang paggaling dahil sa kanyang pneumonia.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig ang boses ng Papa matapos siyang ma-admit sa Gemelli ospital noong Pebrero 14.

Nagtipon ang mga mananampalatay sa St. Peter’s Square tuwing gabi para manalangin sa pagggaling ng Papa. Ikinatuwa naman ng mag taong naroon nang marinig ang boses ng Santo Papa.

Sinabi ng Vatican noong Huwebes na ang Papa ay nasa stable nag kondisyon.

Nagpapatuloy naman ang kanyang breathing exercises at physiotherapy, wala nang lagnat at nakakagawa na ng kanyang trabaho sa umaga at hapon.

Ang Vatican ay nagbibigay ng updates dalawang beses sa isang araw sa kondisyon ng kalusugan ng papa.

Hindi naman nakadalo ang Papa sa formal Ash Wednesday celebration sa Roma, na hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma ngunit nakibahagi sa pagbasbas sa pribadong suite sa 10th floor ng Gemelli. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)