LAGUNA, Philippines — Arestado ang isang lalaki na pinaghihinalaang nagnakaw sa hindi bababa sa 10 convenience stores sa Laguna.
Nahuli sa CCTV ang suspek na nagpapanggap na magpapadala ng pera sa e-wallet bago biglang bumunot ng baril at tinutukan ang cashier. Matapos kunin ang pera, itinuloy pa niya ang transaksyon bago tumakas sakay ng motorsiklo.
Target umano ng suspek ang mga tindahan sa Sta. Rosa, Biñan, at San Pedro. Narekober ng pulisya ang baril at ang suot na damit ng suspek sa isa sa mga pagnanakaw.
Nakatulong ang isang emergency app na nakakabit sa isa sa mga tindahan para sa agarang pagresponde ng pulisya. RNT