Home OPINION MSU BOMBING, JIHAD BANG KONEKTADO SA GAZA WAR?

MSU BOMBING, JIHAD BANG KONEKTADO SA GAZA WAR?

POSIBLE bang konektado ang pagbomba sa Mindanao State University sa nagaganap na giyera sa pagitan ng Hamas at Israel?

Tinatanong natin ito sa gitna ng pandaigdigang panawagan ngayon ng Islamic State at Al Qaida na magsagawa ang kanilang mga pwersa kahit saan sa mundo ng mga pag-atake bilang giyera nila sa umaatake sa Muslim Ummah.

Ang Muslim Ummah, mga brad, sa pagkakaalam ng iba ay katumbas ng Church sa mga Kristiyano.

Pangunahing turo rito ang paggawa ng mabuti at hindi kademonyohan.

Paniniwala ng mga IS at Al Qaida na naaayon sa turong Muslim Ummah ang ginawa ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7, 2023 sa paniniwalang nilalapastangan ng Israel ang Muslim Ummah sa Gaza.

Sa maigsing salita, religious war o jihad ang tingin nila sa Hamas-Israel war at bilang pakikiisa nila sa Hamas, magsasagawa rin sila ng mga jihad kahit saan, lalo na sa mga bansang sumusuporta sa Israel laban sa Hamas.

Kaya naman masasabi nating hangga’t hindi natatapos ang giyerang Israel-Hamas, masasaksihan natin ang mga jihad kahit saan…at kasama na rito ang pagbomba sa MSU habang may misang pang-Kristiyano na isinasagawa roon?

Ang sabi ni  AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr., maaaring ganti lang ng mga Abu Sayyaf at Dawlah Islamiyah-Maute Group ang pagbomba dahil sunod-sunod ang mga operasyong militar na ikinamatay ng mga lider at miyembro ng nasabing grupo sa Maguindanao, Lanao at Basilan.

Dahil naman sa pambobomba, sakop na rin pati ang Metro Manila sa mga lugar na binabantayan ng pamahalaan upang mapigilan ang anomang MSU style bombing o iba pang anyo nito.

Kung jihad ang ugat ng MSU bombing na ikinamatay ng 4 katao at ikinasugat ng 40 iba pa, dapat lang na magtulungan ang lahat upang hindi magkaroon ng religious war sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa Pinas.

 

 

 

Previous articleBISYONARYONG POLICE OFFICIAL
Next articleMAGTULUNGAN VERSUS BOMBING SA MINDANAO