Home OPINION BISYONARYONG POLICE OFFICIAL

BISYONARYONG POLICE OFFICIAL

“A LEADER is one who knows the way and shows the way.” -John Calvin Maxwell

Ganyan kung ilarawan ng naturang sikat na  American ‘quote master’  ang pinunong maayos magpatakbo’t humawak ng posisyon kaya’t  matagumpay ang liderato.

Nguni’t nakakalungkot isipin na sa ating bansa ay tila wa-epek ang  patuntunan  ni Maxwell dahil kung may mga lider man na nakakasunod, sila’y mangilan-ngilan na lang.

Bilang mamamahayag na saksi sa nagdaan at kasalukuyang kaganapan sa pambansang pulisya,  kinikilala natin ang ‘di matatawarang liderato ng ilang police officials.

Dahil sa totoo lang, may mga opisyal ng Philippine National Police din naman na nakabanghay na sa ‘Maxwell quote’ – na kung maisasakatuparan ay daan ito para muling bumango ang police organization.

Isa sa nakatunghay sa kasabihang ito ay si P/BGen Jose Hidalgo, Jr., na binansagan ng local government officials ng Central Luzon bilang  “bisyonaryong police director”.

Tinawag na arkitekto sa tinatamasang katahimikan sa Region 3, si Hidalgo ang nasa likod ng proyekto’t programa na ikinalugod ng mga lider at mamamayan sa Gitnaang Luzon.

Kabilang sa mga ito ay ang  ‘Rektang Tawag’ ng mamamayan, Adopt a Station Concept through COP Mentorship kasama ang OPLAN PAYO (Professional Advisers to Young Officers).

Sa ‘Rektang Tawag’, ang milyong bilang ng mga residente, gamit ang sariling cellphones ay malaya’t mabilis ang ugnayan sa mga pulis kaya bumaba ang kriminalidad ng mahigit 50 porsiyento.

Dahil din sa  hindi napapatid na pagsasagawa ni Hidalgo, katuwang ang provincial directors at chiefs of police programang ‘ASC through COP at OPLAN PAYO ay naging matagumpay ang mga ikinasang anti-criminality efforts ng PRO3 cops.

Importante ang ginagampanan ng pinuno sa pagbabago gaya ni Hidalgo na nagpakita ng tamang direksyon kaya ‘di naligaw at natahak ang tamang daan ng kanyang mga tauhan dahilan  kaya tagumpay ang liderato.

Ika nga – Leadership matters!