Home OPINION MSU PRESIDENT ‘NAGPALULUSOT’ O ‘NAMBOBOLA’?

MSU PRESIDENT ‘NAGPALULUSOT’ O ‘NAMBOBOLA’?

244
0

“NABAON” umano sa utang ang mga pamilya at estudyante ng Mindanao State University matapos hindi bigyang ng ‘travel authority’ ni President at Main Campus (Maraw) Chancellor Atty. Paisalin Pangandaman Tago ang mga estudyante na makadalo sa dalawang mahalagang ‘Student Congress’ noong nakaraang linggo.

Mahigit 50 estudyante sa College of Agriculture at higit 20 estudyante sa College of Medicine ang apektado sa desisyon ni Tago na sobrang nadismaya sa nangyari. Galing kasi sa kanilang bulsa ang gagastusin subalit ginastusan nila dahil ‘course requirement’ at ang iba naman ay ‘excited’ na sumama dahil ‘first time’ makasasakay ng eroplano.

Si Tago ay hindi naman talaga galing sa Akademya dahil isa itong politiko sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao bilang Minister for Transportation at Parliament Deputy Speaker.

Pero dahil pinsan niya si ex-DBM Secretary Amenah Pangandaman—na “bagyo” sa Palasyo—nakuha niya ang pwesto noong isang taon. Translation? Isang ‘political appointee’ at hindi titser, ang pangulo ngayon ng MSU.

Anang mga miron, si Pangulong Bongbong Marcos o ang sinabi niyang ‘suspend all unnecessary travel’ ngayong nasa krisis tayo, ang ginawang dahilan ni Tago kaya hindi siya nagbigay ng TA—kasehodang walang gastos kahit singko ang MSU at ang biyahe ay masasabing ‘necessary’ dahil kailangan para makatapos sa kurso.

“Pagtitiyak” naman umano ni Tago sa mga magulang na nakausap niya para sila “kumalma,” ‘ire-reimburse’ ang nagastos ng mga mag-aaral. “Yehey” na ba kanyo? Hindi pa rin, aguy!

Sa mga nakaaalam kasi sa proseso ng ‘reimbursement’ sa gobyerno, pagtupad sa rekisitos ang kailangan bago maibalik sa iyo kahit ang piso na iniabono mo.

Bukod sa TA, kailangan din ang ‘approved itinerary,’ ‘certificate of participation’ at ‘boarding pass’ ng eroplano, bago pumayag ang Commission on Audit na magbalik ng inabonong pera—at “suwerte” ka kung maibalik sa iyo sa loob ng isang buwan.

At dahil nga wala naman lahat ng ‘COA requirements’ na binanggit natin, nagpalulusot, nambobola o hindi rin alam ni Prexy Tago ang kanyang sinabi sa mga magulang na nakausap niya?

Bukas ang inyong lingkod sa paliwanag ni Atty. Tago.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here