MANILA, Philippines – Pinagbawalan muna ng lokal na pamahalaan ng Piddig, Ilocos Norte ang pagbisita sa Mount Lammin upang maiwasan ang grass fire.
Sa social media post nitong Lunes, Enero 13, sinabi ni Piddig town mayor Georgina Guillen na ang temporary closure ay isang “preventive measure” laban sa posibleng grassfire na maaaring magdulot ng pinsala sa naturang bundok.
Bilang isa sa mga munisipalidad na nakapagtala ng mga insidente ng grass fire noong mga nagdaang taon, naging alerto na ang Piddig LGU sa pagsisiguro na maayos ang kalagayan ng wildlife at komunidad sa paligid ng bundok.
Mula nang malagyan ng konkretong kalsada patungo sa pilot national convergence program para sa coffee plantation, nagsimula nang dagsain ng mga turista ang Mt. Lammin.
Aminado naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi well-equipped ang ahensya para labanan ang forest fires.
Noong nakaraang taon, naglatag ang Piddig LGU ng mga checkpoint patungo sa bundok.
Ang mga checkpoint na ito ay matatagpuan sa
Barangay 22, Boyboy Junction national road sa Piddig-Carasi-Solsona highway, at Barangay 18 Estancia sa boundary ng Sitio Utoy at Guisit sa Barangay Maruaya-Calambeg. RNT/JGC