Home NATIONWIDE Temperatura sa Baguio mas lalamig pa sa Amihan

Temperatura sa Baguio mas lalamig pa sa Amihan

(c) Tara Baguio FB Page Photo

MANILA, Philippines – Mas lalamig pa ang temperatura sa Baguio City at ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.

Ipinaliwanag ng PAGASA na nahuli ang pagdating ng Amihan season dahil sa magkakasunod na bagyo na tumama sa bansa noong nakaraang taon.

Naitala ang pinakamababang temperatura sa Benguet noong Enero 7 sa 13 degrees Celsius.

Samantala, ang pinakamababang temperatura sa Baguio City ay naitala nitong Enero 13 sa 13.8°C.

“Inaasahan natin possible na sa mga susunod na araw makapagtala tayo ng single digit na temperatura. Nung mga past Amihan season natin, nakakapagtala tayo ng 9°C, 8°C, 7°C so hindi natin tinatanggal yung posibilidad na makaranas tayo ulit tayo ng ganung temperatura para sa mga kababayan natin lalo na Baguio,” ayon sa PAGASA. RNT/JGC