Home METRO Enforcer sa Davao City, sugatan sa motoristang tumakas sa traffic violation

Enforcer sa Davao City, sugatan sa motoristang tumakas sa traffic violation

MANILA, Philippines – Nagtamo ng pinsala sa katawan ang isang traffic enforcer sa Davao City matapos banggain ng isang motorista na nagtangkang tumakas nang mahuli dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Sa ulat, nagpatuloy pa rin sa pag-andar ang drayber ng sasakyan kahit na hinaharang na ito ng traffic enforcer.

Sinubukan din itong pahintuin ng isang security guard ngunit nakatakas.

Ayon sa traffic enforcer, titiketan niya dapat ito dahil sa illegal na pagliko.

Hinabol ng enforcer ang sasakyan gamit ang motorsiklo hanggang sa makarating sa isang shopping mall, kung saan niya ulit sinubukan na pahintuin ito ngunit muntik nang sagasaan.

Iniulat na sa pulisya ang insidente habang sumailalim sa medical examination ang traffic enforcer.

Handa itong maghain ng reklamo laban sa drayber.

“May coordination na tayo with the Land Transportation Office para ma-isyuhan ng subpoena ang registered owner ng sedan. Actually, ang enforcer, may injury ang ating CTTMO enforcer, and they are planning to revoke the driver’s license po ng driver,” pahayag ni Davao City Police Office spokesperson Police Captain Hazel Caballero Tuazon sa panayam ng GMA News.

Wala pang tugon ang drayber ng kotse. RNT/JGC