Home HOME BANNER STORY Multiple voting sa Maguindanao del Norte, naitala ng PPCRV

Multiple voting sa Maguindanao del Norte, naitala ng PPCRV

4
0

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ng mga insidente ng umano’y pagboto para sa ibang tao sa Central Oring Elementary School sa Buldon, Maguindanao del Norte, sa kauna-unahang BARMM parliamentary elections nitong Lunes.

Ayon kay PPCRV spokesperson Ana Singson, mahigpit na ipinagbabawal ang pagboto para sa ibang tao maliban sa mga sitwasyong pinapayagan ng Commission on Elections, gaya ng assistance para sa qualified persons with disabilities.

“You cannot vote for your sibling, aunt, uncle, or even your closest friend. You must cast your ballot yourself,” ani Singson.

Nakapagtala rin umano ang PPCRV ng pamamahagi ng sample ballots sa paaralan, na ipinagbabawal na dahil tapos na ang campaign period.

Samantala, iniulat din ng PPCRV na may narinig na mga putok ng baril sa Dilausan Central Elementary School sa Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur, dakong alas-10:31 ng umaga.

Ayon sa initial report ng grupo, nagtakbuhan umano ang mga botante sa Barangay Dimapaok precinct kasunod ng mga putok.

Wala pang inilalabas na opisyal na tugon ang Comelec sa iniulat na multiple voting at pamamahagi ng sample ballots. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here