BERLIN- Hindi binabalewala ng Pilipinas ang mga mungkahi ng China upang resolbahin ang mga isyu sa South China Sea subalit kinukuwestiyon ang basehan nito sa likod ng mga kondisyon, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. nitong Martes.
Sa joint press conference kasama si German Chancellor Olaf Scholz, iginiit ni Marcos na patuloy ang pagkuwestiyon ng Pilipinas sa historical claims ng China base sa ten-dash-line map.
“We have not rejected China’s proposals but the premise is something that we question,” ani Marcos. RNT/SA