Pinarangalan si Ronwald Munsayac, Pangulo ng MPBL Partylist, ni H.E. Ambassador Huang Xilian sa Friends of Chinese Embassy Awarding Ceremony sa Makati.
Kinilala ang kanyang pagsisikap na palakasin ang ugnayang tao-sa-tao at magtayo ng tulay ng tiwala at kooperasyon, na binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan sa pandaigdigang komunidad.
Sa kabila ng hamon, naniniwala si Munsayac na mahalaga ang diyalogo at pagtutulungan upang mapalakas ang ugnayan ng magkalapit na bansa habang iginagalang ang pambansang interes. RNT