Home Internet Mura at maaasahang internet hatid ng Surf2Sawa

Mura at maaasahang internet hatid ng Surf2Sawa

Ayon kay Converge Founder at Chief Executive Officer Dennis Uy, may sapat na dahilan ang mga Filipino para mag-celebrate dahil sa paglawak ng sakop ng Surf2Sawa Prepaid Fiber mula sa pinaka-innovative na telco player sa bansa simula nang ni-launch ito noong May 2023.

Ang Surf2Sawa ng Converge ay prepaid fiber internet na naghahatid sa online at social media users ng unlimited access sa internet sa murang halaga kahit walang pinipirmahang kontrata.

Kaya naman tinawag ang Surf2Sawa Prepaid Fiber na “Internet ng Bayan, ready pag kailangan.”

Maraming pagpipilian dito mula sa P50 na load sa loob ng isang araw, hanggang sa P700 na unlimited connectivity sa loob ng 30 araw o isang buwan.

Ang modem ng Surf2Sawa Prepaid Fiber ay kayang maka- accommodate nang hanggang anim na devices na may average speed na 25 Mbps.

Sa halagang P700 kada buwan para sa anim na devices, ang mga subscriber ng Surf2Sawa ay nagbabayad lang ng P4 kada araw na siyang pinakamurang internet service sa Pilipinas.
Ang Surf2Sawa ay may apat na data plans na pwedeng ma-access sa www.surf2sawa.com.

Nakita ng Converge ang malaking pagtanggap sa Surf2Sawa Prepaid Fiber sa matataong lugar sa National Capital Region particular sa Maynila, Quezon City, Caloocan, at Taguig City.
Parami nang parami ang naaabot ng Surf2Sawa Prepaid Fiber habang inihahatid ito sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

“This is a sign that these urban settlements are leveraging our pure fiber connectivity to augment their livelihood and answer their entertainment, social, and even financial needs,” ayon kay Founder at CEO Dennis Uy.

“We are glad to enrich the digital lives of these neighborhoods and in our own way, help their socioeconomic development,” dagdag pa nito.

“Converge is also committed to improving and expanding its network, and as of end-March has deployed 8.9 million fiber ports, or 5.8-percent more compared to last year’s 8.38 million,” aniya pa.

“For the rest of 2024, we are laser-focused on growing our sales partnerships and distribution channels to further prop up customer acquisition in our mass market brands,” ayon naman kay Converge ICT Chief Commercial Officer Benjamin Azada.

Inireport din ng pinakabagong telco player sa bansa ang magandang takbo ng operasyon nito kung saan nagtapos ang unang quarter na may 18% dagdag sa kanilang net income sa P2.55 bilyon mula sa P2.17B dahil sa pagtitiwala ng mga Filipino sa kanilang serbisyo na patunay ng tumataas na presensya ng Converge sa bansa.

“We continue to see rising demand for our fiber products, both prepaid and postpaid,” pagtatapos ni Mr. Uy.