Home NATIONWIDE Murder raps vs Masbate journos ikinabahala ng PTFoMS

Murder raps vs Masbate journos ikinabahala ng PTFoMS

163
0

HUMIRIT ng paglilinaw ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa Provincial Prosecutor of Masbate hinggil sa pagsasampa ng murder charge laban sa dalawang local journalists na inakusahan ng pagiging miyembro ng local communist terrorist movement.

Sa liham ni PTFoMS executive director, Paul M. Gutierrez, kay Masbate Provincial Prosecutor Jeremias Mapula, humingi ito ng katiyakan na susunod si Mapula sa probisyon ng Department Circular 20 (DC20), serye ng 2023, ipinalabas ng Department of Justice (DOJ) sa pagtukoy sa local broadcasters, Benjamin Gigante at Jose Alfaro bilang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) at mayroong sapat na ebidensiya na tumuturo sa mga ito bilang kalahok, mayroon pang dalawang kasabwat, sa pagpaslang sa isang nagngangalang Richard Bauso noong April 6, 2024 sa bayan ng Cawayan.

Partikular na humingi ng paglilinaw si Gutierrez kung ang sinasabing membership nina Gigante at Alfaro sa CPP-NPA ay napatunayan na nararapat at angkop ng intelligence units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Pinaalalahanan naman ni Gutierrez si Mapula na habang ang mekanismo ng gobyerno para tugunan ang lahat ng paglabag sa “right to life, liberty, at security” ng lahat ng miyembro ng media, ang PTFoMS kung saan ang Secretary of Justice ang chairman “with the full support of all the attached agencies of the Department of Justice, including the National Prosecution Service (NPS), of which you are a part of.”

Tinukoy ang media report, sinabi ni Gutierrez na sa naunang insidente, binawi ng local court ang warrant of arrest para kay Gigante, Alfaro, at tatlong iba pang local journalists noong July 26, sa pagpatay sa nagngangalang Virgil Arriesgado noong August 2022 na may criminal information na inihanda ni Mapula.

“In both incidents, it appears these local media personalities were first accused of being members of the local communist terrorist movement (CPP-NPA) in Masbate before being linked to the murder of the above victims,” ayon kay Gutierrez.

Habang tinanggap na may “sufficient basis” si Mapula na nag-uugnay kina Gigante at Alfaro sa CPP-NPA at sa pagpatay kay Bauso, sinabi ni Gutierrez na may ilang pagkakataon na ang local journalists, nagsisilbing ‘eye sore’ sa ilang lokal na opisyal ay inakusahan ng ibang krimen o miyembro ng terrorist organizations, na katumbas sa komisyon ng ‘SLAPP’ (strategic lawsuit against public participation).

“A SLAPP suit is a ‘retaliatory legal act’ aimed at intimidating and distracting the accused from pursuing his original complaint against his accuser or suppressing his right to free speech and expression,” ang sinabi ni Gutierrez. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here