Home METRO MWP sa kasong carnapping timbog sa Valenzuela

MWP sa kasong carnapping timbog sa Valenzuela

MANILA, Philippines – Timbog ang Most Wanted Person sa kasong Carnapping ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section of Valenzuela CPS.

Kinilala ni Northern Police District na si PCOL Josefino Ligan at ng Valenzuela Police chief Nixon Cayaban ng suspek na si NATHANIEL CORBO y ARAÑA, male, 23 years old residente ng Talipapa, Caloocan City.

Dakong 10:50 ng umaga nitong Enero 3, sinilbi ng warant section sa pamumuno ni PLT Jaime L. Abarientos si Carbo sa kahabaan ng Sampaguita Street, Barangay Ugong, Valenzuela City ng mga operatiba ng Warrant Section Unit.

Naaresto si Carbo sa bisa ng paglabag sa Sec. 3 ng R.A 10883 (The New Anti-Carnapping Act of 2016) at Robbery under Art. 294 par. 5 of the RPC (2 Counts) with criminal cases nos. 1940-V-24 and 1941-V-24 . RNT/Val Leonardo