Home ENTERTAINMENT Nadine, minura si Aga!

Nadine, minura si Aga!

Manila, Philippines- Sa grand ballroom ng Solaire Resort North ginanap ang bonggang presscon ng Uninvited, entry movie nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nandine Lustre sa darating na Metro Manila Film Festival 2024, directed by Dan Villegas.

Ayon kay Nadine ang pelikulang Uninvited ay naging hamon sa kanyang craft para tanggapin ang movie at malaking karangalan sa kanya na makasama ang magagaling na artista.

“It`s a huge change from all the roles I have done before. Everybody knows me from rom-coms and dramas – romance stuff. My roles are always mabait.

“This time, I was able to explore and try a different side of acting.

“I wanted you to see, ano pa kaya ang kaya kong gawin? Sobrang extreme from my previous characters – something I always wanted to do. I love exploring. Hopefully, maging darker ang characters ko,” say ni Nadine.

Siguradong pag-uusapan ang eksena nila ni Aga kung saan minura niya ito at sila ay nagmurahan bilang mag-ama sa movie.

Pero paglilinaw ni Nadine na kabaligtaran ang character niya sa totoong buhay. Pagkatapos nga raw ng eksena ay nagtatawanan sila ni Aga.

“Iba yung pakiramdam na makaeksena si Kuya Aga. That scene, every time after ng eksena, may adlib si Kuya Aga. After paglabas ng pintuan, tawa ako nang tawa.

“Hindi s`ya awkward, natuwa ako kasi naitawid namin ang eksena. Pero I would say if you watch the trailer, triggering in a way, pero nakakatawa lang knowing si Kuya Aga, ang layo sa personality n`ya,” say pa ni Nadine.

Bukod kay Aga, ipinagmamalaki rin ni Nadine na first time niyang makakasama ang Star For All Season na si Vilma Santos.

Hindi rin naman ipinagkaila ni Ate Vi na masaya siya nang malamang makakasama nila sa movie si Nadine.

“Talagang na-excite ako – go na mag-shoot na tayo – when I learned na nag-yes si Nadine,” say ni Ate Vi kay Nadine.

Inamin din ni Ate Vi na dream project niya ang istorya ng Uninvited kaya tinanggap at ginawa na nila agad.

Sabi ni Ate Vi, “Alam namin, hindi madali ang story. Nang na-layout na ang istorya, talagang importante ang characters sa movie para maging epektibo.”

Pahayag naman ni Aga, “ Sobrang proud ako sa Uninvited. How could you say no. I am the happiest to do this film and to have done it with Vilma. It comes in threes, third film namin – done na ako sa buhay.” Gerry Ocampo