Home NATIONWIDE Nadiskubreng PLA uniforms sa Porac POGO tatalupan ng AFP

Nadiskubreng PLA uniforms sa Porac POGO tatalupan ng AFP

MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes na nakikipag-ugnayan ito sa ibang law enforcement bodies matapos makumpirmang tunay ang People’s Liberation Army (PLA) uniforms na nadiskubre sa loob ng isang illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) facility sa Porac, Pampanga.

Ang PLA ay armed wing nng Chinese Communist Party at ng military institution ng People’s Republic of China.

“We are coordinating closely with the relevant intelligence and law enforcement agencies to fully investigate this matter,” pahayag ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Sinabi ni Padilla na kinikilala ng militar ang pahayag ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang nasamsam na PLA uniforms ay “authentic but old.”

Idinagdag niyang nananatiling committed ang AFP sa pagprotekta sa national security at gagawin lahat upang tugunan ang anumang potensyal na banta.

“We assure the public that we are vigilant and proactive in safeguarding our national interests,” giit ni Padilla. RNT/SA