Home METRO P100M frozen meat, iba pang agri products buking sa bodega sa Kabite

P100M frozen meat, iba pang agri products buking sa bodega sa Kabite

MANILA, Philippines- Hindi bababa sa P100 milyong halaga ng frozen meat at iba pang agricultural commodities ang nakumpiska sa joint operation na isinagawa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang storage facility sa Kawit, Cavite kamakailan, ayon sa DA nitong Biyernes.

Sinabi ng agriculture department na inuupahan ang storage facility ng Vigour Global Logistic Corp.

Nasabat mula sa Cavite storage facility sa nasabing joint operation noong Mayo 31 ang 98,000 kilo ng frozen meat at iba pang agricultural products.

“The composite team discovered that the warehouse leased by Vigour Global had been converted into cold storage facilities to conceal a large volume of frozen, regulated meat products, and other commodities,” anang ahensya.

Batay sa ulat mula sa DA Inspectorate and Enforcement Office, 10 cold storage facilities ang nadiskubreng nagtatago sa likod ng pekeng pader na hinarangan ng isang van.

Matapos sirain ang pader, sinabi ng DA na natuklasan ng composite team ang cold storage rooms na puno ng iba’t ibang items, kabilang ang assorted meatballs, shabu-shabu ingredients, beef at pork, chicken wings, siomai, assorted fish, pork belly, boneless pork, beef, at Peking ducks.

Sa inspeksyon ng Bureau of Animal Industry at ng National Meat Inspection Service, napa-alamang ilang frozen food products ang hindi pwedeng kainin, sa paglabag sa Republic Act No. 10611, kilala rin bilang Food Safety Act of 2013.

“This act could be construed as a breach of revenue laws or an attempt to evade tax payments, dues, and other fees,” pahayag ng DA.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na dapat itong magsilbing babala sa tiwaling traders, at binigyang-diin na patuloy ang pagsisikap na tugisin ang nasabing ilegal na aktibidad.

“We want to ensure that our farmers are not disadvantaged by these unfair and often illegal trade practices,” wika ng opisyal. RNT/SA