Manila, Philippines- Hindi magkakabayan, pero bukas-palad pa ring nagpaabot ng tulong ang dating llocos Sur Governor na si Chavit Singson kay Nora Aunor.
Taga-Iriga City, bayan sa Camarines Sur si Nora.
Pero magkaiba man ng rehiyon sina Nora at Chavit ay hindi ito hadlang para ipagkait ng dating pulitiko ang kanyang tulong sa aktres bago ito pumanaw.
Ayon sa iniulat ng Showbiz Now Na, kinontak ni Nora ang malapit niyang kaibigan at dating Sampaguita Pictures star na si Daisy Romualdez.
Kilalang close kay Chavit si Daisy.
Nagpapatulong daw si Nora kay Daisy na kung maaari’y bilhin ni Chavit ang kanyang mga ari-arian sa lriga.
Gagamitin daw ni Nora ang mapapagbentahan kung sakali para sa kanyang heart surgery.
Sinabi naman ni Chavit na hindi raw siya bumibili ng mga property sa ngayon.
Sa halip ay nakipag-deal siya sa kampo ni Nora na sasagutin na lang nito ang kanyang hospital bills.
Hangga’t maaari ay ayaw sanang ipagmakaingay ni Chavit ang ginawang pagtulong niya kay Nora.
Pero mabuti raw na malaman ito ng publiko.
May mga tao ring nagpatotoo ng ginawang pagtulong ni Chavit kay Nora.
Hindi malinaw kung magkano ang inabot ng hospital bills ni Nora nang ma-confine at operahan sa Medical City mula April 10 until her death. Ronnie Carrasco III