Home OPINION NAGKAUNAWAAN DIN

NAGKAUNAWAAN DIN

NAGKITA at nagpulong na ang mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at ang United Nation Special Rapporteur on Freedom of Opinion and Expression na si Irene Khan, na narito sa Pinas para sa dalawang linggong pag-oobserba sa mga kaganapang hinggil sa freedom of opinion at expression.

Iprinisenta ng NTF-ELCAC, kasama ang Anti-Terrorism Council ang kanilang accomplishments kay Khan, pati na ang mga hamon nitong hinaharap at ang kanilang diskarte paano ito resolbahin.

Dahil maikli lamang ang panahon ng kanyang pagbisita, nais sana raw ni Khan na maliwanagan pa sa iba’t ibang bagay gaya ng issue ng “red tagging”.

Agad namang nilinaw ni NTF-ELCAC executive director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang kataga o isyu ng red-tagging ay hindi polisiya o pamamaraan ng pamahalaan para labanan ang sinomang may kinalaman sa komunistang-teroristang kilusang CPP-NPA-NDF.

Aniya, ang red tagging ay katagang inimbento ng CPP-NPA-NDF para siraan ang pamahalaan hindi lamang dito sa Pinas kundi maging sa ibang bansa.

Tama naman si Torres dahil kahit saan ka maghanap, ‘di mo mahahagilap ang salitang red-tagging. Ito ay nanggaling mismo sa CPP-NPA-NDF na inimbento ang termino, upang mapahiya ang pamahalaan kapag ito ay may itinuturing na mga personalidad na may kinalaman sa kilusang komunistang-terorista.

Ipinantapat ng CPP-NPA-NDF ang salitang red-tagging sa NTF-ELCAC na nilikha para baguhin ang diskarte ng pamahalaan na mawala o matapos na ang mga pagrerebelde sa bansa.

Naging epektibong instrumento ang NTF-ELCAC sa pagreresolba nang pinag-uugatan ng pagrerebelde – ang kahirapan. Sinolusyunan ng task force ang kahirapan sa mga kanayunan na dati’y ‘di naaabot ng mga programa ng gobyerno at sa halip ay pinipeste pa ng mga CPP-NPA-NDF.

At least, naibahagi nina Torres kay Khan ang tunay na kulay ng red tagging. At naunawaan naman ito ng “ale” mula sa UN.

Eh, kung mahaba-haba nga lang ang pagbisitang ito ni Khan, malamang ay malaman niya ang talagang kalagayan ng papanipis na papanipis na bilang ng CPP-NPA-NDF dahil lahat ng dati nilang mga miyembro at kahit na mga sympathizer ay tinalikuran na ang mali nilang idelohiya.

Previous articlePAGKAIN NG TIKOY SA BISPERAS NG CHINESE NEW YEAR
Next articleCOKE VS. FENTANYL