Home HOME BANNER STORY Nagpakalat ng video footage sa NAIA tragedy, iimbestigahan

Nagpakalat ng video footage sa NAIA tragedy, iimbestigahan

MANILA, Philippines -Mahaharap sa imbestigasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime ang mga social media users na umano’y nagpost ng CCTV footage sa isang trahedya sa NAIA departure area noong Linggo.

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na hiniling na sa PNP-ACG na magsagawa ng imbestigasyon.

Aniya, nakipag-ugnayan na rin sila sa Manila International Airport Authority (MIAA) sa imbestigasyon kung paano nakalabas o nagleak ang CCTV footage sa malagim na insidente.

Dalawang katao, kabilang ang isang 5 taong gulang na bata ang nasawi noong Linggo ng umaga nang araruhin ng itim an SUV ang mga tao sa NAIA Terminal 1. Ilang indibidwal din ang sugatan sa pangyayari.

Umapela si Dizon sa publiko na igalang ang pamilya ng biktima at iwasan ang nagpakalat ng photos at videos ng insidente sa social media. Jocelyn Tabangcura-Domenden