Home HOME BANNER STORY Nagutom na pamilyang Pilipino tumaas nitong Hunyo

Nagutom na pamilyang Pilipino tumaas nitong Hunyo

MANILA, Philippines – TINATAYANG 10.4% ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger, o pagiging gutom at wala kahit na anuman na makain, kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Makikita sa survey na ipinalabas ng SWS, araw ng Miyerkules na ang June 2023 hunger rate ay mas mataas sa 9.8% na naitala para sa buwan ng Marso subalit mas mababa naman sa 11.8% na naitala noong December 2022.

“The 0.6-point rise in Overall Hunger between March 2023 and June 2023 was due to increases in Metro Manila and Balance Luzon, combined with a steady percentage in the Visayas and a sharp decline in Mindanao,” ayon sa SWS.

Sinabi pa ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay tumaas ng 5.0 puntos sa Kalakhang Maynila 15.7% mula sa 10.7% ) at tumaas naman ng 2.6 puntos sa Balance Luzon areas (11.3% mula sa 8.7%).

“The values in the Visayas hardly changed (9.7% to 9:3%) while the rates in Mindanao fell by 5.4 points (11.7% to 6.3%),” ayon sa SWS.

Samantala, isinagawa ang survey mula Hunyo 28 hanggang Hulyo 1 via face-to-face interviews sa 1,500 adult Filipinos.

Ang sampling error margins ay ±2.5% para sa national percentages, ±4.0% sa Balance Luzon, at ±5.7% sa bawat isa (Metro Manila, Visayas, at Mindanao). Kris Jose