MANILA, Philippines – Umabot na sa 425,000 ang kabuuang bilang ng mga deboto na nakilahok sa taunang Traslacion para sa Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno ngayong Enero 9.
Sa crowd estimate ng ibinahagi ng Quiapo Church Command Post, mula sa nasabing bilang, kabilang rito ang 65,000 sa Quiapo, 350,000 na mga nag-abang sa Ayala Blvd, at 10,000 sa Quirino Grandstand.
Sa ngayon, kasalukuyan pa lang na tinatahak ng Andas ang Ayala Blvd sa bahagi ng Romualdez Street paakyat naman sa paanan ng Ayala Bridge.
Sa bawat pagdaan ng andas, kanya-kanyang wagayway ng mga deboto ang kanilang mga puting panyo bilang pagpupugay sa Senior Jesus Nazareno.
Karamihan sa mga deboto na namamanata ay hangad na gabayan sila ng Poong Jesus Nazareno, iligtas ang kanilang buong pamilya sa anumang kapahamakan, magkaroon ng maayos na pamumuhay, at kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden