MANILA, Philippines – Sinagip ng isang Good Samaritan ang 14-taong gulang o Grade 9 student na nalunod sa dagat na sakop ng Barangay Paratong, Bantay, Ilocos Sur nitong Sabado ng umaga, Setyembre 14.
Ayon kay Police Capt. Marlon Martinez, hepe ng Bantay police, ang biktima ay kinilalang si Cris Asuncion, na tinangay ng malakas na current ng dagat habang naliligo kasama ang mga kaibigan.
Agad na tumalon sa tubig ang isang bystander at nasagip ang biktima sa pagkalunod.
Nasa stable nang kondisyon si Asuncion habang nasa ospital. RNT/JGC