Home NATIONWIDE 144 pamilya inilikas sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

144 pamilya inilikas sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

MANILA, Philippines – Aabot na sa 144 pamilya o 431 indibidwal ang inilikas mula sa limang barangay sa Canlaon City, Negros Oriental dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.

Ang mga ito ay binubuo ng 10 pamilya o 31 indibidwal mula sa Barangay Lumapao, 93 pamilya o 264 indibidwal sa Barangay Masulog, tatlong pamilya o 13 indibidwal sa Barangay Pula, 33 pamilya o 104 indibidwal sa Barangay Malaiba, at limang pamilya o 19 indibidwal sa Barangay Linothangan.

Inilipat ang mga ito sa designated evacuation centers at binigyan ng mga pagkain, tubig, hygiene kits, face masks, personal supplies at medical assistance.

“We are taking no chances,” ayon kay Canlaon Mayor Jose Chubasco Cardenas.

“I want to assure everyone that we are doing everything in our power to keep you safe during these challenging times,” dagdag pa niya.

Samantala, binisita ni Negros Oriental Gov. Manuel Sagarbarria ang evacuation center sa Canlaon City upang Tingnan ang sitwasyon ng evacuees.

Batay sa partial damage assessment report nitong Biyernes, nakapagtala ng malawak na crop destruction ang mga barangay sa Lumapao, Masulog, at Pula. RNT/JGC