Home NATIONWIDE Nalunod na batang babae, pahirapang maiahon sa tindi ng burak sa boundary...

Nalunod na batang babae, pahirapang maiahon sa tindi ng burak sa boundary ng Navotas, Maynila

173
0

MANILA, Philippines – Wala nang buhay nang maiahon sa ilog ang isang 11 taong gulang na batang babae matapos malunod nang tumalon sa Marala Bridge sa boundary o nagdudugtong sa Maynila at Navotas City.

Sa inisyal na impormasyon, alas-11 ng umaga ng tumalon umano ang biktima at hindi na nakaahon pa.

Agad namang naipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang insidente kaya agad na nagsagawa ng search, rescue at retieval operation ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa loob ng mahigit tatlong oras na paghahanap sa ilalim ng tubig na maitim at maburak, bigla umanong may sumabit sa paa ng isang rescuer sa ilalim ng tubig pasado alas-3 ng hapon at nang sisirin ay ang labi pala ng biktima.

Nagtulong-tulong na iahon sa maburak na tubig ang biktima at isinakay sa improvised bangka na gawa sa styro foam.

Labis naman ang hinagpis ng mga magulang ng biktima nang maiahon ang kanilang anak dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here