MANILA, Philippines – Mas marami pang China Cost Guard (CCG) vessels ang na-monitor malapit sa Pilipinas niton Miyerkules,ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sa isang virtual press briefing, sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela na kabuuang limang CCG vessels ang naispatan sa bao de Masinloc at malapit sa Pangasinan.
Ang CCG 5901 o monster ship ay matatagpuan sa 134 nautical miles (NM) ng karagatan ng Pundaquit, Zambales. Namonitor ng CCG 3103 sa layong 103 NM mula Palauig.
Ang CCG 5303 134 NM ay nakita naman sa Pundaquit habang ang CCG 3502 ay naispataan sa 156 NM mula Pundaquit.
Bukod sa apat na ito, isa pang barko ng China, CCG 3304 ang namataan sa layong 43 NM mula Bolinao, Pangasinan. Ang PCG vessel na BRP Cabra ay nililiman ang barko ng China malapit sa lupain ng Pilipinas, ayon kay Tarriela.
Bilang tugon, sinabi ni Tarriela na si PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ay nag-utos ng sasakyang panghimpapawid upang subaybayan ang mga sasakyang ito ng China.
Samantala, sinabi ni Tarriela na ang fisheries research ship ng China, Lan Hai 101, na dating nakitang naglalayag sa mga katubigan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Sulu Sea, ay pinatay ang automatic identification system (AIS) nito bandang alas-7 ng umaga noong Miyerkules.
Para kay Tarriela, kahina-hinala para sa Lan Hai 101, isa sa pinakamalaking fisheries research vessel ng China, na lumipat sa loob ng 24 nautical miles contiguous zone ng Pilipinas.
Noong Martes, sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Navy para kay WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na sumunod ang Lan Hai 101 sa mga protocol habang naglalayag sa mga archipelagic na tubig ng bansa sa Sulu Sea.
Sinabi ni Trinidad na pinili ng barko ng China na tumawid sa Sulu Sea para maiwasan ang masamang panahon sa kanluran ng Palawan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)