MANILA, Philippines – Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia nitong Lunes, Mayo 5, na sa unang pagkakataon ay papayagan ng Comelec ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na kunan ng larawan ang QR code ng election returns.
Sa panahon ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones, sinabi ni Garcia na ang election returns ay ipapaskil sa labas ng isang presinto bago pa man maipadala ang resulta ng halalan.
Ayon kay Garcia, ito ay para maikumpara ng organisasyon ang mga resulta sa mga nakapaskil sa labas ng presinto at sa mga ipinapadala sa kanila.
Samantala, nagpapakita rin aniya ang mga makina ng mga randomized na larawan ng mga balota sa bawat presinto.
Ayon pa kay Garcia, pahihintulutan ang mga manonood na kumuha ng mga larawan o video ng mga larawan ng balota at manu-manong bilangin ang mga ito.
Isasagawa ang halalan sa Mayo 12 ,Lunes. Jocelyn Tabangcura-Domenden