Home NATIONWIDE Pagbuti ng Pinas sa press freedom index ranking ikinatuwa ng Malakanyang

Pagbuti ng Pinas sa press freedom index ranking ikinatuwa ng Malakanyang

MANILA, Philippines – IKINALUGOD ng Malakanyang ang improvement o pagbuti ng Pilipinas sa global press freedom rank.

”It shows the President respects one’s right of expression and the responsible journalism,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Binigyang diin ni Castro na patunay ito na hindi masigasig si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungo sa diktadura.

Samantala, makikita sa 2025 World Press Freedom Index na 134 mula sa 180 bansa, ang Pilipinas ay nasa rank 116th, notches na mas mataas kaysa sa 134th ranking noong 2024.

Sinabi naman ng Reporters Without Borders (RSF) na ang bansa ay nakatanggap ng global score na 49.57, na mas mataas kumpara sa 43.36 noong nakaraang taon. Kris Jose