Home METRO Nanay dinamba sa pagbebenta ng malalaswang larawan ng 3 menor na anak

Nanay dinamba sa pagbebenta ng malalaswang larawan ng 3 menor na anak

(c) GMA News

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang babae dahil sa pagbebenta ng mga mga malalaswang larawan ng kanyang mga anak na babae sa Taguig City base sa ulat ng GMA News.

Sinugod ng National Bureau of Investigation (NBI) sa bisa ng search at cyber warrants ang bahay ng suspek kung saan nadatnan nila ito na may dalang cellphone at kasalukuyang nakikipagtransaksyon.

Nakipagbuno pa ang suspek sa ahente ng NBI pero nakuha pa rin angĀ  telepono na naglalaman ng mga malalaswang larawan na inalok umano sa kanyang mga dayuhang parokyano.

Nailigtas din ng mga awtoridad ang kanyang tatlong anak na babae, na 17, anim at apat na taong gulang.

Ayon sa NBI, ang kanilang mga katapat sa US Homeland Security ay nag-ulat ng online sexual exploitation activity matapos nilang hulihin ang isang American pedophile na may hawak ng child pornography mula sa Pilipinas.

Nailigtas din ang apat na taong gulang na pamangkin ng suspek matapos malaman ng mga awtoridad na ginamit din siya para sa online sexual exploitation kapalit ng pera.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children), Anti-Child Sexual Abuse o Exploitation Materials Act at RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act).

Wala pang pahayag ang suspek. Nakakulong siya ngayon sa NBI Detention Facility sa New Bilibid Prison. RNT