MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Philippine Coast Guard (PCG) at mga katuwang na lokal na pamahalaan para sa bagyong Marce na inaasahang maglandfall sa Northern Luzon sa Huwebes.
Sa pahayag nitong Martes, sinabi ng PCG na lahat ng responders at equipment ng PCG District North Western Luzon (CGDNWLZN) ay naghahanda na upang tulungan ang mga local government units (LGUs) at ang publiko sa posibleng evacuations at rescue operations.
Sinabi ng PCG na ang kanilang mga tauhan at lahat ng daungan sa rehiyon ay nasa heightened alert status upang agad na tumugon sa anumang mga kaganapan sa dagat.
Dagdag pa ng PCG, fully operational at handa na para gamitin sa CGDNWLZN area of responsibility ang mahahalagang rescue equipment at radio communication devices.
Para sa assistance, ang CGDNWLZN ay maaring matawagan sa 0945-746-3430, habang ang kanilang unit ay matatawagan sa 0936-265-9447 para sa PCG Station La Union, 0927-0778026 para sa PCG Station Pangasinan, 0966-859-0756 para sa PCG Station Ilocos Sur, at 0910-609-7420 para sa Ilocos Norte.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)