Home NATIONWIDE BABALA! Pekeng bitamina ng bata hinahalo gamit washing machine

BABALA! Pekeng bitamina ng bata hinahalo gamit washing machine

 MANILA, Philippines – Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa publiko sa pagbili ng mga vitamins o ibang produkto na ibinibenta at kadalsan ay mababa ang presyo dahil maaring mga peke.

Ginawa ng NBI ang babala kasunod ng pagsalakay sa isang bahay sa Arayat ,Pampanga at gumagawa at nagbebenta ng pekeng bitamina ng mga bata ng higit nang 20 taon.

Ayon kay Bati, isinagawa ang operasyon matapos magsumbong ang isang dating empleyado ng kumpanya ang ilegal na aktibidad.

Kinumpirma ng FDA na ang kumpanya ay walang lisensya upang mag-operate at ang brand name na Nutrivit-C ay hindi rehistrado.

Nadiskubre ng mga otoridad sa pagsalakay ang 20 kahon ng vitamins gayundin ang washing machine na umanoy ginagamit ng mga empleyado na panghalo sa mga sangkap tulad ng asukal,food coloring at flavoring upang gumawa ng pekeng vitamins para sa bata na ibinibenta sa halagang P450 at ibinebenta door-to-door hindi lamang sa Central Luzon ngunit pati sa ilang parte ng Visayas at Mindanao. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)