MANILA, Philippines – Bumuo na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ng task force na mag-iimbistiga sa naganap umanong extra-judicial killings sa war on drugs sa nakaraang administrasyon.
Sa Memorandum Order No. 778, kabibilangan ng ilang piskal at agents ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bubuo ng
Task Force.
Inatasan ni Remulla ang task force na siyasatin at magsagawa ng case build-up at kung nararapat ay magsampa ng kasong kriminal laban sa sangkot sa mga pagpatay sa anti-illegal drugs campaign ng nakalipas na administrasyon.
Ang itinatag na task force ay kaugnay sa isinasagawang imbestugasyon ng House of Representatives Quad Committee at ng Senate Blue Ribbon Committee.
Batay sa direktiba ni Remulla, kailangan makipag-ugnayan ang task force sa House of Representatives Quad Committee, Senate Blue Ribbon Committee, Philippine National Police (PNP), Witness Protection Program (WPP), Commission on Human Rights (CHR) at iba pang nay kaugnayan na ahensy upang masiguro ang mabisa na pagkalap ng mga impormasyon at maayos na daloy ng operasyon para sa mas malalim na case build-up.
Binigyan din ng kapangyarihan ang Task Force na kumuha ng pondo mula sa kanilang tangapan kaugnay sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Inatasan ni Remulla ang task force na magsumite ng report sa kanyang tangapan sa loob ng 60 araw. Teresa Tavares