Home METRO Nanay pinagpapalo ng kahoy sa ulo ng kanyang anak, dedbol!

Nanay pinagpapalo ng kahoy sa ulo ng kanyang anak, dedbol!

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 54-anyos na nanay matapos pagpapaluin sa ulo ng kahoy ng kanyang anak na lalaki sa bayan ng Cervantes ng lalawigang ito nitong Biyernes ng hapon, Disyembre 20.

Arestado naman ang 24-anyos na suspek.

Isinuko nito sa mga otoridad ang ginamit na kahoy na ipinampalo niya sa ulo ng ina.

Ayon sa isa pang anak na lalaki ng biktima, nabigla siya nang makita ang kanyang inang patihayang nakabulagta sa likod ng kanilang bahay na duguan ang ulo nito.

Sinabi ng suspek na nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ng kanyang ina hanggang sa pagpapaluin niya ito sa ulo gamit ang naturang panggatong. Rolando S. Gamoso