Home NATIONWIDE Signal No. 1 pa rin sa Kalayaan Islands kahit nasa labas na...

Signal No. 1 pa rin sa Kalayaan Islands kahit nasa labas na ng PAR si TD Romina

MANILA, Philippines- Nananatiling nakataas ang Storm Signal No. 1 sa Kalayaan Islands sa pagkilos ni Tropical Depression Romina sa western portion ng island group nitong Linggo ng gabi.

Sa 11 p.m. tropical cyclone bulletin, nagbabala ang PAGASA ng heavy to intense rainfall (100 to 200 mm) sa Palawan dahil sa shear line at kay Romina mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga at moderate to heavy rainfall (50 to 100 mm) sa parehong period para sa Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Northern Samar.

Nananatiling umiiral ang Signal No. 1 sa Kalayaan Islands sa Palawan sa pagkilos ni Romina sa direksyong northwest sa bilis na 25 km/h na may maximum sustained winds na 55 km/h.

Hanggang alas-10 ng gabi, ang tropical depression ay tinatayang 165 km west-southwest ng Pag-asa Island, nasa labas na Philippine Area of Responsibility (PAR).

Nakaamba ang “very rough seas” (hanggang 4.5-meter waves) sa seaboards ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Kalayaan Islands. Nangangahulugan ito na sa mga lugar na ito, “Sea travel is risky for all types or tonnage of vessels. All mariners must remain in port or, if underway, seek shelter or safe harbor as soon as possible until winds and waves subside,” ayon sa PAGASA.

Posibleng lumakas si Romina bilang tropical storm sa susunod na 12 oras, saka hihina sa tropical depression sa Lunes ng gabi. RNT/SA