Home ENTERTAINMENT Nanggigil na fan, dinakma ang boobs ni Alex!

Nanggigil na fan, dinakma ang boobs ni Alex!

Manila, Philippines – Karakter talaga itong si Alex Gonzaga!

Ang eksena: naglalakad sila ng kanyang mister sa isang kalsada sa Ormoc City at nakikipagkamay sa mga mobbing fans doon.

May kaugnayan ang presensya ng couple sa vlog guesting ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres sa interbyu ng kanyang kapatid na si Toni.

Siyempre, starstruck ang mga Ormocanon na magiliw namang kinamayan ng mag-asawang Alex at Mikee.

Pero may isang female fan na hindi nakapagpigil sa kanyang sarili.

Sa video na in-upload ni Alex sa Instagram, makikitang dinakma talaga ng swooning female fan ang boobs ni Alex.

In fairness, hindi naman ‘yon sinasadya kundi dala lang ng sobrang galak.

Ang normal reaction ng isang tulad ni Alex ay mabigla at saka magagalit sa inasal ng fan.

But not Alex na nakuha pang lakipan ng caption ang pagdakma sa kanyang boobs.

Post ni Alex: “The life story of a flat girl!”

Sa madaling salita, aminado si Alex na flat-chested siya yet dibdib niya ang napagdiskitahan.

Dagdag niyang post: “Akala ni ate, asawa ko ang dinidiban niya, tumili pa! Boobs ko ‘yung nilapirot mo, teh!”

Buti na lang at babae ang gumawa niyon dahil if it were a guy, tiyak na nakatikim ng sampal with matching talak ang fan.

For sure ding umalma si Mikee sa ginawa sa kanyang misis.

At ang ending: tiyak na ineskortehan ng mga security personnel ang male fan patungo sa pinakamalapit na police station.

Siyempre, hindi nga naman ito-tolerate ‘yon ng mag-asawang Gomez lalo pa’t mga panauhin nila ang Morada couple.

At buti na lang din, kahit paano’y wholesome ang public image ni Alex, at hindi isang boldie! Ronnie Carrasco III