Home NATIONWIDE Napagkamalang asset ng pulis, tinarakan sa computer shop

Napagkamalang asset ng pulis, tinarakan sa computer shop

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang pinagsasaksak ng tatlong beses sa Cebu City matapos mapagkamalang police asset.

Base sa CCTV, makikita  na naglalaro sa isang computer shop ang biktima noong Lunes ng gabi nang biglang lapitan at saksakin ng suspek bago tumakas.

Agad na dinala sa ospital ang biktima at naaresto ang suspek gamit ang CCTV footage.

Naitala sa pulisya na limang beses nang nakulong ang suspek dahil sa ilegal na pagsusugal.

Inamin nitong inakala niyang police informant ang biktima na nagsumbong sa mga awtoridad.

Ayon kay CCPO Director Police Colonel Enrico Figueroa, hindi magkakilala ang dalawa at napagkamalan lang ang biktima.

Humingi ng tawad ang suspek at sinabing nadala lang siya sa bugso ng damdamin. Nahaharap siya ngayon sa kasong frustrated murder. RNT