Home IN PHOTOS Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa nagtaasan na

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa nagtaasan na

(c) Crismon Heramis/Remate News File

Dagsa na ang mga mamimili ng pangregalong bulaklak sa Dangwa market ngayong Araw ng mga Puso.

Katunayan maging ang daloy ng trapiko ay medyo may pagbagal na dahil sa dami ng mga bumibili at nagpapagawa ng flower arrangement para sa kanilang minamahal.

(c) Crismon Heramis/Remate News File

Ngayong araw, pumapalo na sa P1,500 hanggang P3,500 ang isang bouquet ng rosas pero depende pa rin ito sa design at mga kasamang stuff toys o chocolate.

Naglalaro naman sa halagang P1,000 hanggang P2,500 ang assorted flowers.

Nanatili naman sa P200 ang kada piraso ng risas pero makukuha ang bundle nito sa halagang P1,500.

Wala namang pinagbago ang presyo ng kada piraso ng sunflower, stargazer, carnation at daisy na nasa P150 hanggang P250.00.

Hindi lamang bulaklak ang ibinibenta sa flower market na puwedeng pang-regalo ngayong Valentine’s day kundi mayroon ding stuff you sa halagang P120 Hanggang P750.00

Ang chocolate bouquet naman at P300 hanggang P1,500.00.

Mayroon ding transparent na lobo na may bulaklak sa loob nito na ibinibenta sa halagang P50 hanggang P150.00 depende sa laki at klase ng bulaklak na ilalagay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)