Home NATIONWIDE Napatay sa pag-atake malapit sa Eiffel Tower, may lahing Pinoy

Napatay sa pag-atake malapit sa Eiffel Tower, may lahing Pinoy

FRANCE – Natukoy bilang isang Filipino-German ang lalaking napatay matapos pagsasaksakin kasabay ng isang pag-atake malapit sa Eiffel Tower, sa Paris, France.

“Having learned of the victim’s dual nationality, France sends its condolences to his family and loved ones, to the Filipino people and to the German people,” saad sa pahayag ng French Embassy nitong Lunes, Disyembre 4.

Ani French Ambassador Marie Fontanel, ang lalaking turista ay may German-Filipino nationality.

“On behalf of the French government, I wish to address my deepest condolences to his family and relatives and to the Filipino and German people,” sinabi ni Fontanel sa hiwalay na pahayag.

Ayon sa ulat, ang umatake na kagyat naaresto, ay isang French citizen.

Kasabay nito, dalawa iba pa ang nasaktan sa pag-atake.

Sa ulat ng mga awtoridad, ang suspek ay isinilang sa France noong 1997 at nasentensiyahan ng apat na taon sa bilangguan noong 2016.

Ang umatake umano ay may “serious psychiatric disorders,” ayon pa sa French officials. RNT/JGC