Home ENTERTAINMENT Ngipin ni Daniel, pinagtripan!

Ngipin ni Daniel, pinagtripan!

Manila, Philippines – Kung tao lang ang walang buhay na ngipin ng tao, mangangabog ito sa tindi ng atensyong likha nito.

Talbog pa nga ng ngipin ang mismong taong nagmamay-ari nito.

Such is the case of Daniel Padilla’s lower teeth na ayon sa mga nakapanood ng short viral video clip ng aktor sa TikTok ay “sungki” raw.

Sa naturang video, hindi napigilan ni

Daniel na isambulat ang kanyang pagkairita sa mga tao who think they know better than the persons involved in an issue.

Ano pa nga ba ang tinutukoy na isyu ni Daniel kundi ‘yung sa split-up nila ng nobyang si Kathryn Bernardo?

Of late nga’y it’s all over social media that he and Kathryn are separated.

Nagsalita na si Daniel tungkol sa nasabing breakup yet some people would like to believe kung ano ang gusto nilang paniwalaan, regardless kung anoman ang sinasabi ng aktor.

Pero hindi ito ang nilalaman ng comment box.

Sa halip, mad napagtripan pa ng mga netizens ang ngipin ng aktor!

Agaw-pansin kasi ang sungki sa kanyang lower jaw.

Maano raw bang ipaayos ni Daniel ang kanyang set of teeth, tutal naman daw ay mapera ito?

Bilang celebrity, puhunan ni Daniel ang kanyang looks.

To the rescue naman ang isang netizen who warned these people na huwag maging judgmental.

And to prove them all wrong, naghagilap talaga ang nag-iisang tagapagtanggol ni Daniel ng isang recent video.

Panayam ‘yon sa aktor kung saan hindi naman sungki ang ngipin niya sa bandang ibaba.

Doon lang napagtanto ng mga padalus-dalos na netizens na sa TikTok video ay may chewing gum si Daniel sa kanyang bibig na inakala nilang sungki.

Pero granting kung sungki man si Daniel, kabawasan ba ‘yon bilang mahusay at guwapong aktor?

Pahiya tuloy ang mga netizens na pinakitaan ng nagdudumilat na katibayan ng isang fan.

Wala naman kasing kabagay-bagay, ginagawang isyu! Ronnie Carrasco IIi

Previous articleMarawi bombing kinondena ng Israel
Next articleNapatay sa pag-atake malapit sa Eiffel Tower, may lahing Pinoy