Home NATIONWIDE Marawi bombing kinondena ng Israel

Marawi bombing kinondena ng Israel

MANILA, Philippines – Kinondena ng Israel nitong Lunes, Disyembre 4, ang pag-atake sa Mindanao State University sa Marawi City habang idinaraos ang misa, na kumitil sa buhay ng apat katao.

“Our hearts go out to the victims and their bereaved families, and we extend our deepest condolences and sympathy during this difficult time. We also pray for the swift recovery of those injured,” saad sa pahayag ng embahada ng Israel sa Manila.

“Israel is in solidarity with the Philippine government and Filipino people in face of this despicable terrorist attack.”

Ayon sa ulat, ang bomba na gawa mula sa isang mortar round, ay sumabog at tinamaan ang mga estudyante at guro na dumadalo sa isang misa sa gymnasium ng nasabing unibersidad.

“Terrorism is a global threat that needs collective unity among nations to safeguard the well-being of all people and communities,” sinabi ng Israel.

Nauna nang kinondena ng Estados Unidos, Japan, Canada, Australia, France at European Union ang pambobomba.

Naka-heightened alert naman ang militar at pulisya kaugnay ng nangyaring insidente.

“The AFP is on heightened alert to ensure the safety of the public and that the perpetrators responsible will be apprehended and/or neutralized,” ayon sa AFP. RNT/JGC

Previous articlePag-ako ng ISIS sa pambobomba sa misa sa Marawi, iniimbestigahan ng AFP
Next articleNgipin ni Daniel, pinagtripan!