Home HOME BANNER STORY Nars grinipuhan ng naghuramentadong pasyente

Nars grinipuhan ng naghuramentadong pasyente

216
0

BOHOL – PATAY ang isang nurse habang sugatan ang isa matapos pagsasaksakin ng pasyente sa loob ng ospital kahapon ng umaga lungsod na Tagbilaran.

Kinilala ang biktimang si Marjorie Abuyen Visarra, 51, nurse, taga Barangay Dao, Tagbilaran City habang sugatan ang utility worker na si Francis Justiniane Añora, 21, at taga Barangay Cainsican, Inabanga Bohol.

Nadakip naman ang suspek na isang drug surrenderer na si Marlito Linguis, 31, taga Purok 4, Barangay Magsaysay, Sevilla, Bohol.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel John Kareen Escober, hepe Tagbilaran City Police Station, bandang 9:00 AM nitong Huwebes naganap ang krimen sa loob ng Bohol Doctors Hospital, Barangay Bool, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, na-admit noong Oktubre 15, 2024 ang suspek dahil sa diarrhea matapos kumain ng dinuguan.

Nakatakda na sanang i-discharge sa naturang ospital ang biktima nang bigla na lamang itong naghuramentado at kumuha ng gunting saka pinagsasaksak ang mga biktima.

Agad naman nilapatan ng lunas ang dalawa subalit nalagutan din ng hininga si Visarra sanhi ng maraming saksak ng gunting sa katawan.

Nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng pulis at nakatakdang sampahan ng kaukulang mga kaso./Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here