BINABATI natin ang Philippine Reclamation Authority sa kanilang ika-49 anibersaryo kahapon.
Palaging “kamote” ang PRA sa hanay ng mga government owned and controlled corporations o GOCCs dahil halos walang ambag sa kaban at mga proyekto ng gobyerno sa nakaraang administrasyon.
Pero, isang taon lang matapos maitalagang chairman si Atty. Alex Lopez, tinanghal ang PRA bilang ‘most profitable corporation’ noong 2023, matapos magtala ng higit P89 bilyon ‘gross profit’ at ‘net profit’ na higit P17 bilyon.
Take note: Noong 2022, higit P2 bilyon lang ang kinita ng PRA pero sumirit sa higit P17 bilyon noong 2023 at sa higit P29 bilyon noong 2024.
Ngayon lang ulit nangyari na isang korporasyon ng gobyerno, mas malaki pa ang kinita sa Banco De Oro, Bank of the Philippine Island, Shoemart at Meralco, Wow!
***
Binabati rin natin si Undersecretary Gilbert Cruz, ang administrador ngayon ng Office of Transport Security, dahil higit ‘100 days’ na pala siya sa pwesto.
Ilang buwan pa lang siya sa OTS pero ramdam at nakikita ng publiko ang mga pagbabago at maayos na seguridad sa ating mga bus terminal, mga pantalan at airports.
Wala na ring isyu sa “tanim-bala” kaya mas “kampante” sa kanilang biyahe ang mga pasahero.
Sa ngayon, nakikita rin ang “kakaibang sigla” ng mga empleyado sa PRA at OTS, dear readers.
“Masarap” kasing magtrabaho sa isang ahensya na alam mong maayos at matino ang namumuno.
Dangan kasi, nasa lider lang yan!






