Home NATIONWIDE Nasawi sa lindol sa Venezuela, umakyat sa 235; search and rescue ntuloy

Nasawi sa lindol sa Venezuela, umakyat sa 235; search and rescue ntuloy

2
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 235 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 1,500 ang nasugatan matapos yanigin ng magkasunod na malalakas na lindol ang hilagang Venezuela, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa United States Geological Survey, tumama ang magnitude 7.2 at 7.5 na lindol na halos isang minuto lamang ang pagitan noong Miyerkules ng gabi, na nagdulot ng malawakang pinsala sa La Guaira at iba pang lugar kabilang ang kabisera na Caracas.

Sinabi ni Health Minister Carlos Alvarado na patuloy pang tumataas ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang mga aftershock.

Nakibahagi rin ang mga residente sa search and rescue operations, ngunit marami ang walang sapat na kagamitan upang mailigtas ang mga naipit sa ilalim ng mga gumuhong gusali.

“We need people…, military personnel, to come and help so we can get her out,” ayon kay residenteng si Dani Rizo habang sinusubukang sagipin ang isang batang babae na kalaunan ay nasawi.

Sa ibang lugar, sinabi ni Antonio Bermudez, “They’re still alive… There’s nothing more we can do. We don’t have any tools. We have no way to help.”

Idineklara na ng pamahalaan ang La Guaira bilang disaster zone habang nagsimula nang dumating ang mga international rescue team mula sa iba’t ibang bansa. Naglaan din si Pope Leo XIV ng paunang 100,000 euros na ayuda at nangako ng suporta ang United Nations.

Nanatiling sarado ang pangunahing international airport ng Venezuela sa La Guaira matapos itong mapinsala, habang naramdaman din ang pagyanig sa Colombia at hilagang Brazil. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here