Home TOP STORIES Nasawi sa matinding heatwave sa Europe, umabot na sa higit 10,000

Nasawi sa matinding heatwave sa Europe, umabot na sa higit 10,000

1
0

BRUSSLES, Belgium – Mahigit 10,000 labis na pagkamatay ang naitala sa Europe sa kasagsagan ng matinding heatwave noong huling bahagi ng Hunyo, ayon sa datos ng EuroMOMO.

Sa kabuuang 10,650 na naitalang labis na pagkamatay, mahigit 9,000 ay mga edad 65 pataas.

Ayon sa mga eksperto, ang matinding init ay maaaring magdulot ng heat stroke at magpalala ng sakit sa puso at baga, lalo na sa mga nakatatanda.

Sinabi rin ng mga siyentipiko na ang heatwave ay halos imposibleng mangyari kung wala ang climate change na dulot ng gawain ng tao, na nagpapadalas at nagpapalala ng matinding init.

Pinakamatinding naapektuhan ang France at Belgium, kung saan naitala ang napakataas na bilang ng labis na pagkamatay.

Sa hiwalay na pag-aaral, tinatayang 2,700 katao ang namatay dahil sa init sa England at Wales noong Mayo at Hunyo. Sa bilang na ito, 42% ay iniugnay sa epekto ng climate change sa matinding heatwave. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here