Home NATIONWIDE PBBM, isinusulong na mas mapahusay isport sa bansa – DepEd

PBBM, isinusulong na mas mapahusay isport sa bansa – DepEd

1
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Education (DepEd) na higit pang palakasin at pahusayin ang sports sa bansa.

Ito ang inihayag ni Education Secretary Sonny Angara matapos na inspeksyunin ng Pangulo ang makabagong pasilidad sa National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

“I think the President wants to impress upon the public. Sabihin niya sa publiko na meron tayong pasilidad na ganito. Kung meron sa ating mga kanya-kanyang lalawigan, kung meron tayong magagaling na atleta, pwede silang dito para talagang mahasa,” ani Angara.

Idinagdag ni Angara na nais ng Pangulo na matulungan ang mga kabataang may potensyal sa sports.

“Tulad na nahasa si Alex Eala, di ba? Dahil nabigyan siya ng tamang coaching, tamang suporta. Ganun din ang mensahe ni Presidente na yung mga potential natin, huwag natin sayangin, gamitin po natin,” ayon kay Angara.

Ayon pa sa kalihim, ikinatuwa ng Pangulo ang pagbisita sa NAS dahil prayoridad nito ang pagpapalakas ng sports.

“Well, natuwa siya sa pasilidad. I think first time niya dito. At sinabi ko sa kanya, nakamodelo ito dun sa Philippine High School for the Arts nung kanyang tatay. At prayoridad din niyang palakasin ang sports dito sa ating bansa. Dito sa DepEd, parang we have 100 new sports clubs and facilities through the Office of the President and the Philippine Sports Commission,” dagdag pa ng kalihim.

Samantala, sinabi naman ni NAS Executive Director Associate Professor Francis Carlos Diaz na ang mga mag-aaral sa akademya ay pinipili mula sa pinakamahuhusay na batang atleta sa buong bansa.

“Galing din sa Palarong Pambansa program. So the uptake of all our 247 students here started from grade 7. So most, if not all, were really recruited from the different provinces and regions who were the rock stars in the elementary division of Palarong Pambansa,” pahayag ni Diaz.

Sinabi rin ni Diaz na nakasaad sa batas na magtatayo ng mga regional campus ng NAS, at target na magkaroon ng susunod na kampus sa Visayas o Mindanao sa loob ng susunod na limang taon.

Ayon naman kay Angara, may ilang lalawigan na rin ang nagpaplanong magtayo ng sarili nilang sports academy na makikipagtulungan sa NAS para sa training at coaching.

Nang tanungin tungkol sa mga insidente ng karahasan sa mga paaralan, sinabi ni Angara na kailangang ilaan ang lakas at oras ng mga kabataan sa mas positibong gawain.

“So, you know, imbis na na-plug in computer games, siguro physical activity is good for the youth,” pagtatapos ng kalihim. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here