Home METRO Nasugatang foreign crew ng cargo ship inasistihan ng PCG

Nasugatang foreign crew ng cargo ship inasistihan ng PCG

MANILA, Philippines- Nilapatan ng paunang lunas at inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang foreign crew matapos masugatan sa isang cargo ship habang naglalayag sa karagatan ng Basilan noong Marso 18.

Ayon kay Commodore Marco Antonio Gines, Coast Guard District South Western Mindanao chief, hindi muna binanggit ang pagkakilanlan ng crew ng M/V Voy Trust, ang barko na may Hong Kong registry.

Agad na tumugon ang PCG makaraang alertuhin ng National Maritime Center na nakatanggap sa kahilingan ng barko para sa medical evacuation habang patungong Zamboanga City.

Idineploy ng CGDSWM ang BRP Capones (MRRV-4404) -isang multi-role respose vessel at inilikas ang nasugatan na crew. Jocelyn Tabangcura-Domenden