MANILA, Philippines – Rumesponde si Senador Christopher “Bong” Go at namahagi ng tulong sa mga nasunugan mula sa Barangay 91 sa Tondo, Maynila noong Sabado.
“Sa mga nasunugan, huwag ho kayong mag-alala. Sabi ko nga sa inyo noon, ang gamit ay nabibili, ang pera ay kikitain, subalit ‘yung perang kikitain ay hindi po nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever. Pangalagaan at ingatan po natin ang buhay at kalusugan ng bawat isa,” sabi ni Go sa kanyang mensahe.
Binigyang-diin ni Senator Go na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay kasalukuyang sumasailalim sa isang modernization program na naglalayong pahusayin ang kakayahan at kahandaan nito sa pagtugon sa mga insidente ng sunog sa ilalim ng Republic Act No. 11589, o ang BFP Modernization Act of 2021 na pangunahin niyang iniakda at inisponsoran.







